Wednesday, March 5, 2014

isang matinding banat



"All men are the same."

Nakakainis talagang marinig yan galing sa isang babae. May kulang talaga sa sentence na yan eh. It should be "All men I LIKE are the same." Di nyo ba naisip na may mga lalaki pa rin na marunong mag-seryoso, mag-alaga at magmahal ng totoo sa isang babae? Sila yung mga lalaki na gusto ka pero hindi mo gusto. Sila yung mga lalaking nagpapa-unli agad tuwing nag g-GM ka. Sila y
ung mga stalker mo sa facebook. Sila yung lalaki na ni-like na lahat ng pictures mo sa facebook pati na pictures ng aso mo. Sila yung lalaki na maraming naiisip na gagawin at sasabihin para sayo pero hindi niya magawa kasi inuunahan ng kaba. Sila yung mga lalaking ang tanging hiling ay mapasaya, makapiling at mahalin ka. Pero sa kasamaang palad, sila yung tipong lalaki na torpe, hindi alam ang tamang sasabihin sa isang babae, awkward, nahihiya, at takot ma-friendzoned. Kaya Miss, Alam kong maraming gago sa panahon ngayon. Pero sana pansinin mo rin yung mga lalaking nag-effort talaga para magustuhan mo rin at sana hindi ka mawalan ng pag-asa.

No comments:

Post a Comment