Minsan, dumadating tayo sa punto na gusto na lamang nating umiyak ng umiyak ng umiyak. Na kahit san tayo pumunta, wala tayong pake basta makaiyak lang tayo ng sobra sobra. Dahil sa sakit na dinadanas natin, di natin maiwasang umiyak, lumuha at magpakababaw sa mga bagay. Napagod na din kasi tayong mag mahal ng taong di naman tayo kayang mahalin. Napagod na din kasi tayong maghintay sa taong ayaw naman pala talaga satin. Napagod na tayong humabol sa taong lagi tayong iniiwasan. Napagod na din kasi tayong masaktan. Nakakapagod din kasi talaga ang makaramdam ng sakit na paulit ulit. Yung sakit na nakakapagsira sa buhay natin lagi. Yung kahit na ano gawin mo, wala pa din eh. Di pa din maibabalik ang lahat. Sasabihin nalang natin na okay lang ako kahit hindi. Ganyan tayo eh. Ganyan tayo magmahal. Kahit ano. Kahit anong sakit na mararanasan natin, kung yun naman yung magpapasaya sa kanya edi sige. Gagawin ko. Hayaan mo nalang akong umiyak dito sa tabi tabi. Hayaan mo nalang ako ilabas lahat ng hinanakit ko gamit ang pag iyak. Hayaan mo nalang akong magisa dito, nasasaktan. Hayaan mo nalang ako. Dahil kahit na anong gawin mo, iiyak at iiyak pa din naman ako.
Credits
https://www.facebook.com/ldryisr.officialfanpage
No comments:
Post a Comment