Tuesday, February 25, 2014

all about RELATIONSHIP



NARANASAN NIYO NA BA? 

Yung magising sa umaga na katabi ang
taong mahal mo? Habang siya mahimbing pang natutulog? Tapos ikaw
nakatitig lang sakanya at pinagmamasdan ang mukha niya, na
nakanganga, humihilik, at gulo-gulo ang buhok? Alam mo yung
pakiramdam na mapapangiti ka nalang dahil nakikita mo siyang ganun
ang itchura, pero ni-minsan hindi yun naging hadlang sayo para
magbago yung pagmamahal mo sakanya. Dahil yung pagiging natural
niya sa sarili niya eh isa sa mga dahilan kung bakit mas lumalalim
lalo yung pagtingin mo dun sa taong mahal mo. Kaya imbis na
ngiting-nakakaloko ang mangyayari dahil nakikita mo siyang tulo
laway, ang lakas humilik, buhaghag na ang buhok. Mas umaangat pa
din talaga yung ngiting-nakakainlove, kasi alam mo sa sarili mo na
talagang mahal mo kung sino talaga SIYA :)))



Credits
https://www.facebook.com/ldryisr.officialfanpage

No comments:

Post a Comment